♥I feel so alone
I can feel my heart breaking ♥




Made By ToRi n EriCka
About this Entry
Posted by: snob_kj

Visit snob_kj's Xanga Site

Original: 8/23/2005 12:21 PM
Views: 21
Comments: 0
eProps: 0

Read Comments
Post a Comment
Back to Your Xanga Site



Tuesday, August 23, 2005

 NOONG IN-LOVE KA PA
> >
> > Ang sarap ng in-love.  Sa unang beses niyo mag-date
> > tapos naramdaman niyo
> > ang sinasabi nilang "spark" nako, magkaharap pa kayo
> > naiisip mo na ang bukas
> > Para matawagan mo na siya at maayang makipag-date
> > ulit, pero sa susunod
> > kayong dalawa na lang.  Hindi ka mapakali pag wala
> > siya sa tabi mo o hindi
> > mo siya nakakausap sa isang araw, sigurado at
> > sigurado tatawagan mo siya sa
> > opisina, sa bahay at pag wala doon maglo-load ka sa
> > cellphone mo at uubusuin
> > ang 300 na prepaid sa loob ng isang tawag na wala
> > naman ibang laman kundi
> > bungisngis, kamustahan at kuento tungkol sa lahat ng
> > sama ng loob mo sa mga
> > ex mo.  At ang goodbye sa telepono ay nde
> > matapos-tapos, hindi niyo malaman
> > kung sino ang unang magbababa at umaasa kang me
> > "Take care" sa huli. Me
> > email pa yan sa umaga para masabi mo sa kanya na
> > masaya ka na nakapag-usap
> > kayo.
> >
> > Minsang gumimik kayo at upbeat ang sounds, hala!
> > sayaw ka kahit parehong
> > Kaliwa nag mga paa mo, pero gusto niyang sumayaw
> > kaya sige sasayaw ka na
> > rin. Kahit ilang mule, arctic at sub-zero ang
> > orderin niya wala kang
> > pakialam, mas mabuti nga kse nga puede mo na siyang
> > akbayan at I-hug pag
> > medio lasing na siya, pag hindi siya pumalag nako!
> > score! para kang nasa
> > langit.  Malamang, matapos mo siyang ma-hug eh ayaw
> > mo nang maligo at lagi
> > mong naaalala ang scent ng pabango niya na me halong
> > amoy alcohol na pero
> > para sa yo mabango pa din siya.  At siempre tuwing
> > matapos kayong gumimik eh
> > ayaw mo pa rin matapos ang gabi kaya hihirit ka pa
> > ng coffee, kahit isandaan
> > ang isang baso, "So what?!?" kamo, pera lang yan ang
> > importante kasama mo
> > siya.  Masaya ka rin pag na-traffic kayo kse
> > makakapagkuentuhan pa kayo
> > pauwi. Matiyaga mong inaral ang pagda-drive ng
> > manual gamit lang ang isang
> > kamay kse yun isa hawak yun kamay niya o nakadantay
> > sa hita niya habang
> > nagmamaneho ka.
> >
> > Araw-araw magmamakaawa ka na ihatid mo siya at kung
> > puede ka rin niyang
> > Ihatid pauwi, at kung lulusot baka pati lunch eh
> > puede na rin na kayo ang
> > maging lunchmates.  Pag me free time ka eh nasa
> > bookstore ka para nagtingin
> > ng mga puedeng ibigay na greeting cards. Nakalimutan
> > mo na ang barkada mo,
> > para sa yo malaking abala lang sila sa napakagandang
> > lovelife mo kesehodang
> > magtampo pa sila sa yo at magsolian na kayo ng
> > kandila sa inaanak mo sa
> > kanila. At kung aalis man kayo nde ka magkasya sa
> > pagte-text lang sa lab mo,
> > kelangan mong pumunta sa banyo para lang
> > magkarinigan kayo pag tinawagan mo
> > siya at sabihin na nde ka nag-eenjoy at mas gusto mo
> > na siya ang kasama.
> > Pagdating ng weekend nako para kang intsik! alas
> > dies pa lang ng umaga nasa
> > kanila ka na at me dalang suhol na breakfast para sa
> > nanay niyang
> > nakasimangot dahil natutulog pa ang anak niya eh
> > andun ka na.  Pagdating ng
> > gabi kahit antok na antok na siya eh ayaw mo pa ring
> > umuwi, hinihintay mong
> > makatulog siya sa mga bisig mo para makanakaw ka
> > ulit ng kiss.  Iniisip mo
> > rin kung kelan ka kaya niya ipapakilala sa friends
> > niya?
> >
> > Nung kayo na, lahat ng monthsary ice-celebrate niyo,
> > me kasama pang surprise
> > na regalo at date. At nde miminsan mong nabanggit na
> > gusto mo na siyang
> > Pakasalan at wala nang ibang babae sa puso at wala
> > ka nang makikita na
> > katulad niya.
> >
> >
> > AFTER ONE YEAR
> >
> >
> >
> > Mahal ang gimik sa bar, mas maganda kung kakain na
> > lang kayo sa Jollibee at
> > manonood ng sine.
> >
> > Wag na kayo magkape, masyadong mahal with matching
> > comment na "Leche, me
> > ginto ba yan?"
> >
> >
> > Mas gusto mo nang kasama barkada mo dahil "minsan"
> > lang kayo magkita sa
> > isang linggo.
> >
> > Pgakahatid mo sa kanya, nagmamadali kang umuwi sa
> > gabi dahil pagod ka na sa
> > trabaho.
> >
> > Pumapasok at umuuwi na siya mag-isa dahil nde mo
> > siya masusundo dahil puyat
> > ka.
> >
> > Syet! wag ka niyang pipiliting sumayaw at
> > nakakahiya.
> >
> >
> > Anong tawag? Sa load mong 300, mauubos yun at 1
> > beses mo lang tinext
> > (against 245 na text niya sa yo) at 3 minutes mo
> > siyang natawagan.  Naubos
> > ang load mo kakatawag sa mga barkada mo at kaka
> > forward ng joke sa kanila.
> >
> > Pag weekend mas gusto mong manood na lang  ng TV o
> > matulog. Pupunta ka lang
> > Pag tumawag na siya at nagmamakaawang dalawin mo
> > naman siya at me suhol na
> > ipinagluto ka niya.
> >
> > Kahit automatic na kotse mo nde mo pa rin makuhang
> > hawakan ang kamay niya
> > habang namamaneho ka.
> >
> > Magastos ang mga monthsary, kung anniversary niyo
> > nga eh wala kang regalo,
> > monthsary pa?!?
> >
> > Mag-uusap kayo? Baket me problema ba? Kung wala,
> > isang oras kang manonood ng
> > TV habang siya eh nakatutulog na kahihintay na
> > kausapin mo siya.
> >
> >
> > Miss na niyang ini-email mo siya,sagot mo? "Jusko
> > naman araw-araw na Tayong
> > nag-uusap ano pa ba naman ang sasabihin ko sa yo?
> > Baka gusto mo pa ng
> > card?!?"
> >
> > Pag aayain ka niya para gumimik with her friends ang
> > sagot mo? "Utang na
> > loob, kung gusto mong lumabas kasama friends mo ikaw
> > na lang mag-isa at
> > naiilang ako."
> >
> > Pero pag lalabas kayo with your friends umiinit ulo
> > mo pag tahimik siya pag
> > nagjo-joke sila tungkol sa inyo ng ex mo sabay
> > tanong "Nde ka ba nag-eenjoy?
> > Buiset, umuwi na nga lang tayo!"
> >
> > At tungkol naman sa kasal..."Jusko naman, nde mo ba
> > ako maintindihan?!? Wala
> > pa akong pera saka nde ko maiisip yan ngayon! Sana
> > wag ka namang makulit."
> >
> > Sa lahat ng ito, ngingiti na lang siya, iisipin
> > lahat ng ginagawa mo noong
> > nanliligaw ka pa  malamang umaasa pa yun na babalik
> > yun dati sabay
> > buntung-hininga at sabi ng malakas..."Kay sarap ng
> > in-love."


 Posted 8/23/2005 12:21 PM - 21 Views - 0 eProps - 0 comments

Give eProps or Post a Comment

Choose Identity
(?)
 
Give eProps (?)
Post a Comment
Add Link | Preview HTML comment help 
  • Say it with Minis! (?)

Profile Pic:
Default  |  Choose »  (?)



Back to snob_kj's Xanga Site!
Note: your comment will appear in snob_kj's local time zone:
GMT +08:00 (China Coast)



OMGSH_LAYOUTS

OMGSH_LAYOUTS